Tuesday, June 5, 2018

Sa buhay natin may mga tao tayong nakikilala sa hindi inaasahang panahon. Meron silang ginagampanan sa buhay natin at nagiging bahagi sila nito. Lahat tayo may makikilalang tao na kikilalanin at magiging parti ng buhay natin. Kadalasan naman kikilalanin lang natin pero hindi magiging bahagi ng buhay natin. Hindi lahat ng tao na dadating at makikilala natin ay magiging parti nito, hindi lahat makakapagpabago sa buhay natin. Subalit kadalasan may mga tao tayo pinapapasok sa buhay natin na hindi naman dapat, yung mga taong akala natin magiging maganda ang kalalabasan subalit nagkamali tayo sa kanila. May mga pangyayari din na naging maganda ang ating ipinakita at pakikitungo subalit hindi naman nararapat. May mga taong pakikitunguhan tayo dahil may mga dahilan sila: dahil gusto lang nila, dahil may pangangailang sila, dahil may mithiin na hindi maganda at iba pa.. Hindi natin masasabi kung anong klseng tao ang makikilala natin. Maiging kilalanin at pag-aralan ng mabuti. 

No comments:

Post a Comment

Sa buhay natin may mga tao tayong nakikilala sa hindi inaasahang panahon. Meron silang ginagampanan sa buhay natin at nagiging bahagi sila n...