Monday, June 4, 2018

Just Thinking.

My tao talaga na dadating sa buhay natin ng hindi natin inaasahan. Marami tayong hinihiling at pinapangarap sa buhay. Marami tayong gustong gawin at tuklasin sa buahay na ito. Marami tayong kamalian na nagagawa, dahil hindi naman tayo perpektong tao para hindi magkamali sa buhay. Marami din tayong natututunan sa lahat ng mga ginagawa natin, lalo na sa mga kamalian natin. Lahat tayo ginagawa ang lahat para maging mabuti at maganda ang ating buhay. Subalit hindi talaga natin masasabi kung anu ang mangyayari sa buhay natin kahit palanuhin pa natin ito. Hindi natin malalaman ang mga susunod na mangyayari sa ating buhay hanggang makarating tayo sa sitwasyon na iyon. Minsan ang hindi natin inaakalang mangyari ay mangyayari pala sa atin. Minsan naman sobra sobra natin gusto mangyari subalit hindi ito ibinibigay ng pagkakataon sa ating buhay. Mas magandang lasapin natin ang mga namgyayari at ibinibigay ng pagkakataon at panahon sa buhay natin. 

No comments:

Post a Comment

Sa buhay natin may mga tao tayong nakikilala sa hindi inaasahang panahon. Meron silang ginagampanan sa buhay natin at nagiging bahagi sila n...