Tuesday, June 5, 2018

Sa buhay natin may mga tao tayong nakikilala sa hindi inaasahang panahon. Meron silang ginagampanan sa buhay natin at nagiging bahagi sila nito. Lahat tayo may makikilalang tao na kikilalanin at magiging parti ng buhay natin. Kadalasan naman kikilalanin lang natin pero hindi magiging bahagi ng buhay natin. Hindi lahat ng tao na dadating at makikilala natin ay magiging parti nito, hindi lahat makakapagpabago sa buhay natin. Subalit kadalasan may mga tao tayo pinapapasok sa buhay natin na hindi naman dapat, yung mga taong akala natin magiging maganda ang kalalabasan subalit nagkamali tayo sa kanila. May mga pangyayari din na naging maganda ang ating ipinakita at pakikitungo subalit hindi naman nararapat. May mga taong pakikitunguhan tayo dahil may mga dahilan sila: dahil gusto lang nila, dahil may pangangailang sila, dahil may mithiin na hindi maganda at iba pa.. Hindi natin masasabi kung anong klseng tao ang makikilala natin. Maiging kilalanin at pag-aralan ng mabuti. 

Monday, June 4, 2018

Kahit na may mga paa ka hindi natin kayang takasan ang mga sitwasyon sa buhay natin. Minsan naiisip natin na lumayo o takasan ang mga nangyayari sa ating buhay, na parang gusto na natin maglaho nalang sa mundong ito. Minsan naman pinangungunahan tayo ng ating takot na takbuhan ang mga bagay-bagay sa ating buhay. Iniisip natin na ito'y mas lalo pang makakagulo sa sitwasyon na ating hinaharap. Kaya sa mga nanyayari sa atin my mga bagay tayo naiisip kung maaaring gawin, gagawin natin,. kung maaaring takbuhan, tatakbuhan natin. Subalit kahit anu pa iyon hindi parin ito ang magiging solusyon sa ating mga hinaharap sa buhay, mas mainam pa na atin itong harapin at bigyan ng magandang solusyon.



                                                   -Gem-

Just Thinking.

My tao talaga na dadating sa buhay natin ng hindi natin inaasahan. Marami tayong hinihiling at pinapangarap sa buhay. Marami tayong gustong gawin at tuklasin sa buahay na ito. Marami tayong kamalian na nagagawa, dahil hindi naman tayo perpektong tao para hindi magkamali sa buhay. Marami din tayong natututunan sa lahat ng mga ginagawa natin, lalo na sa mga kamalian natin. Lahat tayo ginagawa ang lahat para maging mabuti at maganda ang ating buhay. Subalit hindi talaga natin masasabi kung anu ang mangyayari sa buhay natin kahit palanuhin pa natin ito. Hindi natin malalaman ang mga susunod na mangyayari sa ating buhay hanggang makarating tayo sa sitwasyon na iyon. Minsan ang hindi natin inaakalang mangyari ay mangyayari pala sa atin. Minsan naman sobra sobra natin gusto mangyari subalit hindi ito ibinibigay ng pagkakataon sa ating buhay. Mas magandang lasapin natin ang mga namgyayari at ibinibigay ng pagkakataon at panahon sa buhay natin. 

Sa buhay natin may mga tao tayong nakikilala sa hindi inaasahang panahon. Meron silang ginagampanan sa buhay natin at nagiging bahagi sila n...